Sa Maguindanao, isang malaking dagok para sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang pagkakakubkob ng miitar sa isa nilang pinagkukutaan sa Barangay Magaslong sa Bayan ng Datu Piang sa Maguindanao.
Sinabi ni DPAO Chief at Spokesman Army Maj Arvin Encinas lumiliit na ang mundo ng BIFF dahil sa nagpapatuloy na focused miilitary operation laban sa mga ito.
Nadiskubre at nakubkob ng Charly Company ng 57th ib sa ilalim ng 1st mechanized infantry battalion ang inabandonang lungga ng BIFF sa pamamagitan ng isinagawang combat clearing operation.
Narekober sa kuta ng BIFF ang isang rifle scope, antenna , assorted empty shells ,wires at mga pako, solar panel w battery , passport, medical supplies ,anti-personnel mines components , cellfone at samot saring mga dokumento.