Kampo ng BIFF, nakubkob

Sa Maguindanao, isang malaking dagok para sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)  ang pagkakakubkob ng miitar sa isa nilang  pinagkukutaan sa Barangay Magaslong sa Bayan ng Datu Piang  sa Maguindanao.

Sinabi ni DPAO Chief at Spokesman Army Maj Arvin Encinas  lumiliit na ang mundo ng BIFF dahil sa nagpapatuloy na focused miilitary operation laban sa mga ito.

Nadiskubre at nakubkob ng Charly Company ng 57th ib sa ilalim ng 1st mechanized  infantry battalion ang inabandonang lungga ng BIFF sa pamamagitan ng isinagawang combat clearing operation.


Narekober  sa kuta ng BIFF ang isang  rifle scope, antenna , assorted  empty shells ,wires at mga pako, solar panel w battery , passport,  medical  supplies ,anti-personnel mines components , cellfone at samot saring mga dokumento.

Facebook Comments