Kampo ng mga Discaya, may hawak na katibayan na hindi ghost project ang kanilang itinayo sa Davao Occidental

Iginiit ng kampo ng mga Discaya na hindi ghost project ang kanilang proyekto sa Abad Santos, Davao Occidental.

Ayon sa abogado ng mga Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III, natapos ang naturang proyekto at may mga hawak silang mga larawan na magpapatunay na natapos ang proyekto.

Gayunman, hindi aniya ito ikinunsidera ng Office of the Ombudsman.

Samantala, tumanggi naman si Samaniego na ihayag kung bakit sa National Bureau of Investigation (NBI) pinili ni Sarah Discaya na sumuko.

Facebook Comments