Kampo Ng Napatay Na Si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr, Naniniwalang Overkill Ang Pagkamatay Nito

5

MANILA – Naniniwala ang kampo ng napatay na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr na overkill o labis na pwersa ang ikinamatay ng alkalde.Ayon kay Atty. Leilani Villarino, abogado ng Pamilya Espinosa, apat na tama ng bala ng baril ang natamo ni Espinosa Sr batay na rin sa resulta ng autopsy.Aniya, tatlong bala ang narekober mula sa katawan ng alkalde habang ang ika-apat na bala ay tumagos sa katawan nito.Bukod rito, nagtamo rin aniya si Espinosa ng sugat sa ulo na mula sa matigas na bagay.Giit pa ni Villarino, posibleng nakahiga ang alkalde nang siya’y pagbabarilin.Dagdag pa ng abugado, posibleng may kinalaman ang pagkamatay ng alkalde sa pagpapangalan niya sa ilang pulis at opisyal ng gobyerno na sangkot sa ilegal na droga.Matatandaang isang notebook na may nakasulat na mga pangalan at mga tseke ang isinumite ng alkalde sa Ormoc Regional Trial Court noong Setyembre 7.Nabatid na nakuha ang naturang listahan sa napaslang na abugado ni Espinosa.

Facebook Comments