Bagong Wbo Welterweight Belt Champion Sen. Manny “Pacman” Pacquiao, Aminadong Naging Maingat Sa Naging Laban Nila Ni Jes

23

LAS VEGAS – Inamin ni Eight Division World Champion Sen. Manny Pacquiao na sobra ang kaniyang naging pag-iingat sa naging laban nila ni Jessie Vargas.Matatandaang naging matagumpay ang pagbabalik sa ring ni Pacquiao matapos agawain ang World Boxing Organization (WBO) Welterweight Belt kay Vargas.Sa kanyang post fight interview kay ring announcer Stephen A. Smith, sinabi ni Pacman na bawat round ay tinangka niyang pabagsakin si Vargas pero kahit naging agresibo ay naroon pa rin ang kaniyang pag-iingat.Giit pa ng pambansang kamao, sobrang natutuwa siya sa naging resulta ng kanyang comeback fight.Kasabay nito, nilinaw naman ni Pacman na hindi pa pumapasok sa kaniyang isip kung sino ang susunod niyang makakalaban.Aniya, kakausapin pa niya si Top Rank Promoter Bob Arum para sa susunod na pagsabak sa ring.Samantala … Aminado naman si Vargas na nakakagulat siya sa bilis at liksi ni Pcaman.Sinabi ni Vargas na sobrang close ang naging laban nila ng Filipino ring icon.Para aniya itong laban sa chess at nagulat siya sa bilis ng Senador.Iginiit din ni Vargas na maganda ang kaniyang naging performance.Nangako rin ang Dating WBO Welterweight Belt Champion na babangon at mas gagalingan pa sa susunod niyang magiging mga laban.

Facebook Comments