Kampo ng prosekusyon sa Kerwin Espinosa drug case, maghahain na ng mga ebidensya

Manila, Philippines – Kapwa pinagbigyan ng hukom ng Manila RTC branch 26 ang kahilingan ng magkabilang kampo na mailipat ang petsa ng pagdinig sa kaso ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.

Kasunod ito ng paghahain ng formal offer of evidence nina Senior asst city prosecutor antonio Valencia sa panig ng prosekusyon.

Bago isalang si Espinosa sa witness stand, kailangan muna nitong magkomento sa isusumiteng formal offer of exhibits ng prosekusyon.


Itinakda ng Korte ang susunod na pagdinig sa Marso

Si Espinosa ay nahaharap sa kasong drug trading at illegal possession of firearms.

Facebook Comments