Top 10 Most Wanted Person sa Jones, Isabela, Arestado!

Jones, Isabela – Bagsak na sa kulungan ang tinaguriang Top 10 Most Wanted Person sa Bayan ng Jones matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado ala una kaninang tanghali sa Brgy. Dumawing, Jones, Isabela.

Ang naaresto ay kinilalang si Mark Anthony Casil Estadola, bente syete anyos, may asawa, at residente ng nabanggit na lugar.

Dinakip ng mga otoridad si Estadola sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bonifacio T. Ong, ng RTC Branch 24 Echague, Isabela dahil sa kasong Carnapping.


Nasa Jones Police Station na ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang P200,000.00.

Facebook Comments