Kampo ng TADECO, iginiit na walang lugi ang gobyerno

Manila, Philippines – Iginiit ng Tagum Agricultural Development Company o TADECO na hindi nalugi ang gobyerno sa joint venture agreement na pinasok nito sa kumpanya.

Sa pagharap sa pagdinig sa House Committee on Good Government and Public Accountability, ipinaliwanag ni TADECO President and CEO Alex Valoria kay House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi talo ang gobyerno sa kanilang jva dahil may garantisadong 45% na bahagi sa kita ng kumpanya ang BUCOR.

Sa katunayan aniya, ay kumita pa nga ang BUCOR dito ng 142.72 million pesos noon 2016.


Sa nasabing halaga, hindi pa kasama dito ang kinita sa buwis ng gobyerno sa kanila operasyon na umabot ng 438 million noong 2016.

Malabo ding madehado ang gobyerno dahil wala itong ibang pinuhunan sa JVA kundi ang pagpapagamit ng lupain para sa banana plantation ng TADECO.

Ang guaranteed earning ng BUCOR ay nire-review pa nang regular at itinataas ng 10% kada limang taon.

Samantala, alas nuebe ng ngayong umaga ay magcoconvene ang kamara bilang com of the whole para talakayin ang martial law sa Mindanao.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments