Barangay kagawad sa Iloilo, inilista bilang high value target

Manila, Philippines – Kinumpirma ng pulisya na kabilang umano sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng PNP sa mga high value target ang isang barangay kagawad ng Tanza Timawa, Iloilo City.

Itinuturing na high value target no. 2 ang barangay kagawad na si Edmond Roberto at kinilalang protektor ng iligal na droga.

Mariing itinanggi naman ni Roberto ang kaniyang kaugnayan sa iligal na droga.


Sa ngayon, patuloy nilang binabantayan ang galaw ng barangay kagawad.

Nabatid na nagsisilbi ngayon si barangay kagawad Roberto na punong barangay ng Tanza Timawa dahil ang ama nito na siyang punong barangay ay may sakit.
DZXL558

Facebook Comments