KAMPO NI ANA JALANDONI, NAGHAHANDA NA PARA SA LEGAL NA AKSYON LABAN KAY KIT THOMPSON

Nitong Biyernes, kinagulat ng marami ang lumabas na larawan ng sexy actress na si Ana Jalandoni na makikitang puno ng pasa ang mukha.
Makikita rin ang screenshot ng conversation nito sa isang tinawag niyang “Kuya” na humihingi ito ng tulong dahil sinaktan umano siya ng nobyong si Kit Thompson habang nasa hotel sa Tagaytay.
Agad naman itong na rescue ng pulisya.

Kahapon, nagpost si Ana sa kanyang social media account at sinabang maglalabas siya ng statement soon. Sa ngayon nakahanda na ang legal counsel nito para sa mga hakbang upang makasuhan si Thompson na selos diumano ang dahilan ng pananakit nito sa nobya.
Matapos ang insidente, naungkat naman ang pagkakasangkot noon ng aktor sa paggamit ng illegal na droga. 2014 nang madawit ang pangalan niya sa apat na kabataang nahuli sa paggamit ng marijuana sa isang music festival.
Kahapon rin nang madala na sa kustodiya ng pulisya sa Tagaytay si Thompson. | ifmShowbizNews
Facebook Comments