1. 3 MILYONG HALAGA NG ILLEGAL NA DROGA, NAKUMPISKA NG PRO1 SA UNANG QUARTER NG TAON

Umabot na sa 1. 3 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng Police Regional office 1 sa unang quarter ng taon.

Sa isinagawang kauna-unahang quarter committee meeting ng Regional Peace and Order Council Region 1, nakasaad sa datos ng PRO1 na nasa 1, 380, 067. 516 na ang nasamsam ng pulisya na ilegal na droga sa 168 na operasyon ng mga ito sa apat na probinsiya.

Sa nasabing bilang 46, 393 ang nasabat sa Ilocos Norte, 49. 089 sa Ilocos Sur, 56, 183 sa La Union at 1, 228, 401 dito sa Pangasinan.

Nasa 188 ang naaresto ng pulisya kung saan 49 dito ang surrendered drug personalities.

Samantala, nasa 4, 115 ,000 naman na halaga ng marijuana ang binunot at sinira sa dalawang operasyon ng Marijuana Eradication sa rehiyon. | ifmnews

Facebook Comments