Kampo ni BBM-Sara Uni Team nanawagan sa CHED na ipagpaliban muna ang nakaambang taas matrikula

Umapela ang BBM-Sara UniTeam sa Commission on Higher Education (CHED) na ipagpaliban muna ang nakaumang na tuition hike ng 56 na Higher Education Institutions (HEIs) para sa academic year 2021-2022.

Giit nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at running mate nito na si Davao City Mayor Sara Duterte, ang tuition hike ay lalo lamang makakadagdag sa paghihirap na dinaranas ng mga pamilyang Pilipino dahil sa pandemiya.

Anila, naiintindihan nila na kailangan ding kumita ng mga HEIs para mapanatili ang kanilang operasyon.


Gayunpaman, kailangan pa rin nating isaalang-alang ang kakayahan ng bawat pamilya na matustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Batay sa listahan ng CHED, 14 na HEIs sa National Capital Region (NCR) ang pinayagang magtaas ng kanilang tuition at iba pang school fees.

Makikita rin sa listahan ang bilang ng mga Higher Education Intitutions sa iba’t ibang rehiyon na pinayagang magtaas: sa Rehiyon 1, walo; Rehiyon III, pito; Rehiyon IV, tatlo; Rehiyon V, lima; Rehiyon VI, apat; Rehiyon VII, isa; Rehiyon IX, isa; Rehiyon X, siyam; Rehiyon XI, tatlo; at sa CAR, isa.

Paliwanag ng CHED na ang pag-apruba ng aplikasyon ng mga institusyong ito ay alinsunod sa recalibration ng Miscellaneous and Other School Fees (MOSF) sa ilalim ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments