Kampo ni CJ Sereno, naghahanda na ng depensa sa pag-usad ng impeachment complaint na inihain ni Atty. Larry Gadon

Manila, Philippines – Naghahanda na ang kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kanilang depensa.

Ito ay matapos ideklara ng Kamara na sufficient in form and substance ang impeachment complaint na inihain ni Atty. Lorenzo Gadon.

Ayon kay Atty. Carlo Cruz, bagong talagang tagapagsalita ni Sereno, iisa-isahin nila ang mga basehan kung bakit diskumpyado sila sa impeachment case na inihain ni Gadon.


Tinukoy ni Cruz ang aniya ay mga hearsay at newspaper clippings lamang na mga ebidensya ni Gadon.

Hindi rin aniya maituturing na impeachable offense ang mga alegasyon ni Gadon at layunin lamang nitong na sirain ang independence ng Supreme Court.

Hinihintay na ni kampo ni Sereno ang kopya ng reklamo para masagot daw nila ito sa ligal na pamamaraan.

Facebook Comments