PBBM, pinagtawanan lamang ang umano’y pagkakadawit ng pangalan nito sa drug list ng PDEA

Hindi nagbigay ng malinaw na sagot si Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa isyu ng pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa drug list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa ambush interview sa PICC Pasay City, hiningian ng komento ang pangulo sa pagkakasali ng kaniyang pangalan kasama ang aktres na si Maricel Soriano sa umano’y “PDEA leaks.”

Pero, ipinagkibit-balikat lamang ito ng pangulo at pinagtawanan lamang ang tanong.


Matatandaang sa pagdinig sa Senado kamakailan ay lumutang ang usapin na kasama si Pangulong Marcos sa listahan ng PDEA na diumano’y gumagamit ng iligal na droga.

Gayunpaman, nauna na itong itinanggi ng PDEA at sinabing wala silang ganitong uri ng operasyon dati laban sa pangulo.

Facebook Comments