Kampo ni De Lima, isinama sina PNoy at ‘Bato’ Dela Rosa bilang mga testigo sa kasong kinahaharap nito

Manila, Philippines – Isinama ng kampo ni Senator Leila De Lima sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa bilang mga testigo sa isang kasong kinahaharap nito.

Ayon sa abogado ng senadora na si Filibon Tacardon, may mga impormasyon si Aquino na may kaugnayan sa kaso dahil dati daw itong Pangulo ng bansa.

Nais lang daw patunayan ni De Lima na walang isyu o kahit tsismis na nag-uugnay sa kaniya sa operasyon ng droga sa bansa.


Gusto din ng kampo nito na tumestigo si Dela Rosa dahil sa media interviews ay pinagbantaan di umano nito ang mga testigo at nais din nila itong magpaliwanag sa mga alegasyon na prinessure ang mga testigo.

Nais din nila na tumestigo si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II dahil sa isa umano ito na nais idiin si De Lima sa illegal drug trade.

Maging si Sandra Cam ay gusto din nilang maging testigo dahil sa mga diumano’y pagdalaw nito sa Bilibid habang pinagtitibay ang kaso kasama na din ang abogadong si Ferdinand Topacio ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Facebook Comments