Kampo ni Ellen Adarna, nanindigan na hindi nag-walkout ang aktres sa taping!

92

Dinepensahan ng aktres na si Ellen Adarna at ng kaniyang kampo ang tungkol sa isyu ng pagwa-walkout nito sa huling taping ng kinabibilangang sitcom.

Paglilinaw ng manager ng aktres na si Danel Calixto, nagpack up lamang ang aktres para umuwi dahil tapos na ang kaniyang eksena na na-extend ng isang oras.


Hindi rin daw ang production team ang nagdesisyong alisin si Ellen sa kinabibilangang sitcom kundi desisyon ito ng aktres.

Para mas mag-focus pa sa kaniyang anak na si Elias at fiance na si Derek Ramsey.

Pinatotohanan din ng producer at co-actor niyang si John Estrada na mali ang ipinaratang sa aktres.

Dahil dito, nagpasalamat ang kampo ng aktres sa mga sumuporta at naniwala sa kanila sa kabila ng pagtawag sa kaniya bilang ‘unprofessional’ ng ilang kasamahan sa trabaho.



Facebook Comments