Kampo ni Greco Belgica, balak nang maghain ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales

68
Manila, Philippines – Handa ang kampo ni Manila City Councilor Greco Belgica na magsampa ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
 
Ito’y matapos ibasura ng Korte Suprema ang inihain nilang disbarment case laban sa Ombudsman dahil sa pagkiling nito kay dating Pangulong Noynoy Aquino hinggil sa usapin ng Disbursement Acceleration Program o DAP.
 
Ayon kay Belgica – tanggap nila ang naging desisyon ng SC pero hindi dapat palampasin ang mga pagkakasala ni Morales sa bayan.
 
Dapat aniya ipinaliwanag ni Morales sa taumbayan kung bakit inabsuwelto nito si dating Pangulong Aquino gayung batid naman aniya ng lahat na may basbas niya ang paggamit ng pondo.


Facebook Comments