Vice President Leni Robredo, makikipagpulong kay DI LG Secretary Mike Sueño kaugnay ng palit-ulo scheme

68
Manila, Philippines – Makikipagpulong si Vice President Leni Robredo kay Interior and Local Government Secretary Ismael Sueño.
 
Ito’y may kaugnayan sa mga umano’y palit-ulo system sa war on drugs ng administrasyon na naging laman ng kaniyang isinumiteng video message sa united nations convention on narcotic drugs kamakailan.
 
Ayon kay Robredo – nang magkita sila ni Sueño, iginiit nito sa kanya na totoo ang mga sumbong na nakarating sa kanila at handa niya itong ilatag sa kalihim basta’t matiyak lamang ang seguridad ng mga iyon.
 
Bagama’t tinanggap naman ni Sueño, ang paanyaya ni Robredo, sinabi nito na kanilang hihilingin na gawin ang nasabing pagpupulong pagkatapos ng semana santa.


 

Facebook Comments