Kampo ni Janet Lim-Napoles, magsasampa ng kaso laban sa tatlong Justices ng Anti-Graft Court

Balak maghain ng reklamo ang kampo ni Janet Lim Napoles laban sa tatlong miyembro ng Anti-Graft Court matapos siyang i-convict sa kasong Graft at Malversation kaugnay sa P10-billion pork barrel scam.

Ayon sa abogado ni Napoles na si Atty. Rony Garay, inihahanda na nila ang mga kaso laban kina Justice Geraldine Faith Econg, Justice Reynaldo dela Cruz at Justice Edgardo Caldona.

Kabilang aniya sa mga isasampang kaso ay ang gross ignorance of the law, manifest partiality at extreme bias.


Matatandaang sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan noong biyernes ay nakasaad na guilty para sa tig-tatlong counts ng graft at malversation si Napoles kasama ang dating kongresista ng Cagayan de Oro na si Constantino Jaraula.

Giit naman ng kampo ni Napoles, nagdesisyon agad ang justices nang hindi man lamang tiningnan ang mga ebidensiya.

Facebook Comments