Kampo ni JM De Guzman, bumuwelta sa isinampang frustrated murder case laban sa aktor

Image from IG/@1migueldeguzman

Dumipensa ang kampo ni JM De Guzman kaugnay sa kasong frustrated murder na isinampa ng real estate broker na si Pitt Norman Zafra sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ayon sa mga abogado ni De Guzman, konektado ito sa pambubugbog umano ng aktor at kaibigang MMA fighter at fitness coach na si George Castro kay Zafra noong gabi ng Mayo 7 sa loob ng Flying House Resto Bar.

Giit nila, ang panibagong kaso ay “rehash” ng reklamong physical injury na naunang inihain ng lalaki laban sa dalawa noong Agosto 8 na inurong din niya kalaunan.


Saad pa ng kampo ng Kapamilya star, kailangan dalhin sa “proper forum” ang ipinaparatang sa bida ng teleseryeng ‘Pamilya Ko’ at hindi dapat sumasailalim sa “trial by publicity”. Kaya din nilang patunayan na inosente si De Guzman sa mga ipinaparatang sa kaniya.

Batay sa artikulong lumabas sa Abante Tonite noong Biyernes, nagsimula raw ang gulo nang magpa-picture sina Zafra at kaniyang asawa sa celebrity.

Narito ang kabuuang pahayag ng Star Magic tungkol sa insidente:

 

Facebook Comments