Mga opisyal at kadete ng PMA na naparusahan dahil sa pagkamatay ng isang kadete sa hazing, pinangalanan na

Inilabas na ng Philippine Military Academy ang pangalan ng mga opisyal ng PMA at mga kadeteng nagpabaya at nasangkot sa ginawang hazing at dahilan ng pagkamatay ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio.

Kinilala ang apat na  PMA cadets na pinatawan ng pagkakatanggal sa PMA na sina 3rd Class Cadet Shalimar Imperial, 3rd Class Cadet Felix Lumbag dahil sa direktang partisipasyon sa hazing at 1st class cadet Axl Rey Sanupao na nag-utos ng hazing at 2nd Class Cadet Nickoel Termil ang Squad leader ni Dormitorio.

Pinatawan naman ng suspensyon ang dalawang kadete na sina 1st Class Cadet Irvin Sayud ang platoon leader at 1st Class Cadet Elbert Lucas ang commanding officer.


Penalty for Class 1 offense ang ipinataw kay 1st Class Cadet Christian Correa ang floor inspector.

Samantala, sinibak na rin ang dalawang opisyal ng PMA Hospital na sina Captain Flor Apostol PMA doctor at Col Cesar Candelaria ang commanding officer ng PMA hospital.

Kahapon, una nang sinibak sa pwesto ang dalawa pang opisyal ng PMA Major Rex bolo ang senior tactical Officer at Captain Jeffrey Batistiana Tactical officer.

Nagbitiw naman sa pwesto ang PMA Supt. na si Lt. Gen. Ronnie Evangelista at PMA Commandant of Cadets na si Brig. Gen. Bartolome Bacarro.

Facebook Comments