Kampo ni Maine Mendoza, dumulog sa NBI kaugnay ng kumakalat na pekeng video scandal

Dumulog na ang kampo ng celebrity na si Maine Mendoza sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa isang kumalat na video scandal sa social media.

Nagtungo kanina sa NBI ang abogado at nanay ni Maine para maghain ng reklamo sa tanggapan ni NBI Cyber Crime Division Chief Victor Lorenzo.

Nauna nang sinabi ni Maine na kamukha niya ang babae sa video pero aniya, hindi siya ito.


Pati ang manager ni Maine ay naglabas na ng pahayag at sinabing peke ang naturang sex video o edited ang video.

Nais nilang mapanagot ang responsable sa video na nakaapekto sa imahe ni Maine.

Tiniyak naman ng NBI na magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa naturang video.

Si Maine ay may mga followers na mga kabataan kaya mahigpit nitong pinangangalagaan ang kanyang imahe at dignidad.

Facebook Comments