Kampo ni Mayor Jed Patrick Mabilog, hihingi ng TRO sa korte kaugnay sa dismissal order ng Ombudsman

Iloilo City – Magsasampa ng Petition for Certiorari ang mga abogado ni Mayor Jed Patrick Mabilog kaugnay sa dismissal order laban sa alkalde.

Ito’y upang humingi ng temporary restraining order o TRO upang pigilan ang pagsilbi ng dismissal order laban sa alkalde.

Gayunman, sinabi ni Atty. Jonar Pueblo, isa sa mga abogado ng alkalde, na handa umanong bumaba nang matiwasay si Mayor Mabilog sa puwesto at tiniyak na walang mangyayaring gulo sa City Hall sakaling mabigo silang makakuha ng TRO.


Una rito, kinuwestyon ng kampo ni Mabilog ang naging desisyson ng Ombudsman na ayon sa kanila ay unfair.

Naniniwala din si Pueblo na nahaluan ng politika ang pagdesisyon ng Ombudsman sa kaso ni Mayor Mabilog.

Facebook Comments