Kampo ni Negros Oriental Cong. Teves, naghahanda na sa anumang kalalabasan ng pagdinig sa Degamo murder case

Naghahanda na ang kampo ni Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves Jr., sa worst-case scenario o posibleng kalabasan ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa Degamo murder case.

Sa pagharap ng kampo ni Teves sa DOJ ngayong hapon, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, na wala na silang nakikitang patas na imbestigasyon ng DOJ dahil agad na itong hinatulan kahit noong wala pang naisasampang kaso.

Sa kabila nito, umaasa pa rin ang kampo ni Teves na magkakaroon ng katanggap-tanggap na resolusyon ang DOJ.


Naghain din ang kampo ni Teves ng motion to dismiss sa Prosecution Pannel para ibasura ang mga kasong multiple murder laban sa nagtatago na mambabatas.

Sa simula pa lamang kasi ng pagdinig ay walang maipakitang matibay na ebidensya ang National Bureau of Investigation (NBI) na magdidiin kay Teves.

Facebook Comments