Limang pulis na nasangkot sa robbery extortion sa Maynila, AWOL nang maituturing – PNP

Idineklara na ng Manila Police District (MPD) na Absent Without Official Leave o AWOL ang limang pulis Maynila na sangkot sa robbery-extortion.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, hindi tumugon sa return to work order ang limang pulis makaraan ang tatlong araw na deadline.

Kabilang sa mga ito sina Staff Sgts. Ryann Tagle Paculan at Jan Erwin Santiago Isaac, Cpl. Jonmark Gonzales Dabucol at Patrolman Jeremiah Sesma Pascual at John Lester Reyes Pagar.


Nabatid na sinibak na ang lahat ng pulis sa Manila District Police Office Intelligence Operations Unit matapos pagnakawan at kikilan umano ng lima nilang kasamahan ang isang may-ari ng computer shop sa Sampaloc, Maynila.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang manhunt operations ng MPD at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa limang pulis Maynila.

Facebook Comments