Kampo ni Pacman, may pinagpipilian na para sa susunod na makakalaban ng fighting senator

May pinagpipilian na si People’s Champ at fighting senator Manny Pacquiao na susunod na makalaban sa ring sa Hulyo 13.

Sa Twitter post ni International Matchmaker Sean Gibbon, kinatawan ng Pacman sa Amerika, inihayag nito na pinagpipilian nila sila WBA Super Welterweight Champion Keith Thurman at si dating WBA Welterweight Champion Danny Garcia.

Si Thurman ay mayroong record na 29 wins at wala pang talo habang si Garcia ay may 34 – 2 win-loss record.


Una na nagpahayag si Thurman na nais niyang makalaban ang fighting-senador noong matagumpay na madepensahan ng American boxer ang kanyang WBA “regular” welterweight title noong Enero.

Samantala, sa kabila ng mga panawagan ng mga boxing fans, hindi umano interesado si undefeated at welterweight champion Floyd Mayweather Jr. sa rematch nila ni Pacman.

Facebook Comments