Kampo ni Quiboloy, naghain ng MR para mabawi ang kaniyang mga baril

Pumalag ang kampo ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Quiboloy dahil sa umano’y hindi tamang proseso ng pagkaka-surrender ng mga armas nito sa Philippine National Police (PNP).

Sa interview ng RMN Manila kay Atty. Israelito Torreon, Legal Cousel ni Pastor Quiboloy, sinabi nito na naghain na sila ng Motion For Reconsidertion (MR) para mabawi ang mga armas.

“He owns the firearms and if he own the firearms he has the ownership over the same. And just because hes LTOPF has been cancelled sa atin pong pananaw if he does not give the right the part of the PNP without the court order to require their surrender kasi sa kanya yun.”


Paliwanag pa ni Atty. Torreon, kaya lamang nila sinurrender ang mga armas ng pastor para mawala ang haka-haka na arms and dangerous ito at mayroong private army si Quiboloy.

Kasabay nito, nilanaw rin ni Atty. Torreon na nasa bansa pa rin ang pastor pero wala siyang direktang komunikasyon dito.

Sa ngayon, ay prinoproseso na ang pagkansela ng pasaporte ng pastor pero wala pa silang natatangap na petition sa ngayon.

Facebook Comments