MANILA, PHILIPPINES – Mayroong bagong pasabog ang kampo ni retired SPO3 Arthur Lascañas laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na may habang dalawang oras ang video testimony ni Lascañas na nagde-detalye sa ilang kaso ng mga pagpatay na kinasasangkutan ng Davao Death Squad at ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Senator Antonio Trillanes, iba pa ito sa 19-pages affidavit na ginawa ni Lascañas bago ang kanyang pagharap sa media noong February 19.
Aniya, detalyado sa nasabing video ang ginawang pagpatay ng grupo nina Pangulong Duterte at Lascañas sa broadcaster na si Jun Pala, ang pagmasaker sa pamilya Patasaja, pati na rin ang pambobomba sa ilang mosque sa Davao City.
Ginawa ni Lascañas ang video dahil alam niyang target na siya ng mga tauhan ni Pangulong Duterte na naglalayong tuluyan na siyang patayin.