Kampo ni SC Chief Justic Sereno, umapela ng conscience vote sa pagsusuri ng impeachment complaint

Manila, Philippines – Umapela ang kampo ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ng conscience vote sa pagsusuri ng impeachment complaint laban sa punong mahistrado.

Ayon kay Atty. Joshua Santiagao, tagapagsalita ni Sereno, dapat bumoto ang mga mambabatas batay sa kanilang konsesya.

Huwag rin aniyang idaan sa paramihan ang pagdinig sa impeachment at dapat kilatisin ng mga ito ang ebidensya.


Giit naman ni House Majority Leader Rep. Rodolfo Fariñas, imbes na magsalita sa media ay maghain na lang ng mosyon sa committee on justice ang mga ito.

Facebook Comments