Operator ng mga taxi na nahuling nagongontrata, ipapatawag ng LTFRB

Manila, Philippines – Nakatakdang ipatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operator ng taxi na kanilang nahuling nangongontrata sa Ninoy Aquino International Airport.

Ito’y matapos magpanggap na pasahero si LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada.

Ayon kay Lizada, dapat magbago na ang mga pasaway na taxi driver na nangongontra.


Muling pinaalalahanan ng LFTRB ang mga taxi driver na maningil ng pasahe batay sa metro at hindi sila dapat mangongontrata.

Payo naman ng ahensiya sa mga pasahero, huwag makipagnegosasyon sa mga taxi driver at kung magpipilit ang drayber sa pangongontrata ay ireklamo kaagad sa LTFRB hotline 1342.

Facebook Comments