Manila, Philippines – Nagbanta ang kampo ni John Paul Solano, pangunahing suspek sa pagpatay kay Horacio Castillo III, na gagawa sila ng ligal na hakbang kapag nabigo ang Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng inquest resolution ngayong araw.
May kaugnayan ito sa kasong murder, paglabag sa Anti-Hazing Law, robbery, perjury at obstruction of justice na isinampa ng Manila Police District laban kay Solano.
Ayon kay Atty. Paterno Esmaquel, umaasa sila na ilalabas ngayong araw ng DOJ ang nasabing resolusyon.
Naninindigan ang kampo ni Solano na hindi ito dapat makulong at maisalang sa inquest proceedings dahil siya naman ay hindi inaresto kundi kusang sumuko.
Facebook Comments