Pinayagan ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors ang hiling ng kampo ni suspended BuCor Chief General Gerald Bantag na sumagot sa mga komento hinggil sa kaniyang motion for inhibition.
Ito ay kaugnay pa rin sa Percy Lapid murder case, kung saan pina-i-inhibit ni Bantag ang DOJ panel of prosecutors.
Ayon kay Senior Asst. State Prosecutor Charlie Guhit, natanggap ng lupon ang manifestation ng request mula sa council ni Bantag noong December 12 para mapayagan siyang maghain ng reply.
Naglabas naman ng ang panel ng utos noong December 16, kung saan pinapayagan ang hiling ni Bantag at mayroong limang araw para makapagsumite ito ng sagot, gayundin ang mga complainant.
Ang bilang ng araw ay magsisimula sa araw na matanggap na nila ang utos ng panel.
Sa oras naman na matapos ang ibinigay na palugit ng prosecutors ay maituturing nang submitted for resolution ang mosyong inihain ni Bantag kahit nakapagsumite man o hindi ang mga ito ng kanilang mga sagot sa kaso.