170,000 na pasahero kada araw, inaasahang dadagsa ngayong linggo sa PITX

Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) pauwi sa mga lalawigan ilang araw bago ang Pasko.

Ayon sa pamunuan ng PITX, nasa mahigit 140,000 na kada araw ang mga pasaherong nagtutungo sa PITX nitong Disyembre.

Maaari pa raw itong pumalo sa 170,000 kada araw ngayong linggo o habang papalapit ang Kapaskuhan.


Samantala, fully booked na ang ilang biyahe ng bus sa PITX patungong Bicol Region.

Tiniyak naman ng mga kompanya ng bus na nakahanda ang kanilang mga special permit sakaling magkaroon ng dagdag supply ng bus.

Facebook Comments