Kampo ni US Marine Joseph Scott Pemberton, maaaring umapela para maalis sa blacklisted ng bansa ayon sa DOJ

Maaaring mag-apply ang kampo ni US Marine Joseph Scott Pemberton sa Bureau of Immigration upang ma-lift ang umiiral na blacklist dito.

Ito ang inihayag ni Department of Justice Undersecretary Markk Perete kasunod ng sinabi ng immigration na otomatikong blacklisted na sa Pilipinas si Pemberton sa oras na maideport na ito pabalik sa Amerika dahil na rin sa pagiging “undesirable alien” bago siya ma-convict noong 2015.

Ayon kay Perete, maaaring i-apela ni Pemberton na maalis siya sa blacklist, pero aminado itong malaki ang tiyansang ma-denial.


Sinabi ni Perete na ang malabong maalis ito sa blacklist lalo pa’t nakagawa ito ng krimen.

Kahapon ay itinurn-over na ng Bureau of Corrections sa BI ang kustodiya ni Pemberton pero nananatili pa rin ito sa kanyang detention facility sa Camp Aguinaldo.

Sa oras na makumpleto ang deportation proceedings kay Pemberton ay agad itong paaalisin sa bansa.

Facebook Comments