Manila – Walang mailabas na sagot ang kampo ni Vice President Jejomar Binay sa ebidensyang inilabas ng Commission on Audit (COA) kaugnay sa overpriced na pagpapatayo ng Makati City Parking Building.Sa detalyadong ulat ng COA, napatunayan na pinagsamantalahan ng mag-amang Binay ang P2.8 bilyong Makati City Parking Building Project para makakuha ng bilyong halaga ng kickback.Lumalabas pa na hindi dumaan ang parking building sa competitive bidding, walang maayos na dokumento sa pagbili ng mga materyales, kakulangan sa plano kung kaya lumobo ang presyo nito at nagresulta sa maling paggastos ng Makati City government.Sinabi ni Liberal Party Standard-Bearer Mar Roxas na dapat sagutin ni Binay ang mga kasong pandarambong, katiwalian at pagnanakaw ngayong nasa tamang korte na dinidinig ang mga kaso laban kanya.Iginiit nito na magiging kawawa ang buong Pilipinas kung mangyayari sa buong bansa kung ano ang ginawa ni Binay sa Makati City dahil kaliwa’t-kanang pagnanakaw, kasinungalingan at panloloko sa tao ang nangyari.
Kampo Ni Vice-President Jejomar Binay, Walang Maisagot Sa Ulat Na Inilabas Ng Coa
Facebook Comments