MANILA – Kumpiyansa ang kampo ni Vice President Leni Robredo na may nagtatangkang sirain ang kredibilidad ng Bise Presidente.Ito ang binigyan diin sa interview ng RMN ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo matapos lumutang ang tinaguriang ‘Leni leaks’ na umano’y destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.Ayon kay Hernandez – bagamat hindi na bago sa kanila ang mga ganitong paninira sa social media sa Bise Presidente, nilinaw nito na hindi kabahagi si Robredo sa umanoy ouster plot.Plano ng kampo ni Robredo na dedmahin na lamang ang nasabing isyu at pagtuunan ng lang ng pansin ang paglilingkod sa bayanKahapon ay muling binigyan diin ng Pangulong Duterte na hindi siya nababahala sakaling may tangkang kudeta o assassination plot laban sa kanya dahil kumbinsido siyang anuman ang mangyari sa kanya ay bahagi ito ng kanyang destiny o kapalaran.Sa ngayon ay ini-imbestigahan na ng national security adviser ang naglabasang “Lenileaks”.
Kampo Ni Vice President Leni Robredo – Kumbisidong May Sumisira Sa Kredibilidad Ng Bise Presidente Sa Pag-Uugnay Sa Leni
Facebook Comments