
Sa tingin ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima, ay kinakabahan na ang kampo ni Vice President Sara Duterte na mailalantad ni Ramil Madriaga ang katotohanan sa paglustay nito ng milyon-milyong confidential funds.
Pahayag ito ni De Lima matapos sampahan ni VP Duterte ng perjury complaint si Madriaga.
Binanggit ni De Lima na bukod sa pagsasampa ng kaso ay may nagtangka din sa buhay ni Madriaga habang ito ay nakakulong, sino aniya ang nais magpatahimik dito.
Diin ni De Lima ang testimonya ni Madriaga sa affidavit ay isa sa mga pinakamahalaga at matibay na dagdag na ebidensya sa mga dating ebidensya noong na-impeach ng Kamara si VP Sara noong 2024.
Dagdag pa ni De Lima, kung susuriin ang salaysay ni Madriaga ay maikukumapra ito sa mga testimonya nina Arturo Lascañas at Edgar Matobato na tumestigo ukol sa mga pagpatay na inutos umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagamit na ebidensya sa International Criminal Court (ICC).










