Kampo ni VP Leni Robredo, nagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa umano’y anomalya sa halalan

Inihayag ni senatorial candidate at Nagkaisa Labor Coalition President Atty. Sonny Matula na nagsagawa ng sariling imbestigasyon ang kanilang kampo tungkol sa umano’y anomalya sa nagdaang eleksyon.

Ayon kay Matula, sa demokrasyang bansa, ang mayorya ang masusunod kung saan ang mga nahalal na opisyal ng gobyerno ay dapat na igalang dahil ito’y itinalaga ng taumbyan. Ngunit hangga’t wala pang inilalabas na official canvassing ay patuloy umano silang magbabantay.

Paliwanag ni Matula, ang kanilang IT experts at lawyers ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa napaulat umanong anomalya sa eleksyon at kumakalap pa sila ng mga matitibay na ebidensiya kung saan kailangan nila ang mga witness at substantial evidence para magsampa ng reklamo pero walang handang magtestigo.


Binigyang-diin ni Matula na hindi pa tapos ang laban at marami pang mamamayang Pilipino na dapat imumulat kung saan umaasa siyang aangat ang bansa kahit hindi pinalad na maihalal bilang isang senador ng bansa.

Facebook Comments