Kampo ni VP Leni Robredo, umapela na tuluyan nang ibasura ang Electoral Protest ni dating Sen. Bongbong Marcos

Umapela ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa Supreme Court, na nagsisilbing Presidential Electoral Tribunal (PET) na tuluyan nang ibasura ang Electoral Protest ni dating Sen. Bongbong Marcos.

Ito’y matapos mabigong makakuha ng substantial recovery sa initial recount ng mga boto para sa Vice Presidential Race noong 2016.

Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, Legal Counsel ni Robredo, ang tatlong pilot provinces na pinili ni Marcos na: Camarines Sur; Iloilo; at Negros Oriental ay hindi napatunayang may nangyaring dayaan.


Nangangahulugan lamang na ang natitirang 27 probinsya ay hindi magbibigay ng recovery para kay Marcos.

Binanggit ni Macalintal ang October 15 PET Resolution na nakapag-recover si Robredo ng 17,520 votes mula sa tatlong pilot areas mula kay Marcos na may 2,427 votes.

Facebook Comments