Kampo ni VP Robredo, iginiit na hindi libreng face masks ang kailangan ng mga tao

Iginiit ng kampo ni Vice President Leni Robredo na kailangang pagtuunan ng pamahalaan ng mabuti ang rollout ng coronavirus vaccines.

Ito ang kanilang sagot sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamamahagi ang pamahalaan ng libreng face mask sa lahat para mapanatili ang pagtalima sa minimum health standards.

Sa isang panayam sa Iloilo, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo, bakuna ang dapat ipinamamahagi ng pamahalaan at hindi face masks.


Apela ni Gutierrez sa Inter-Agency Task Force (IATF) na mag-focus sa procurement at distribution ng COVID-19 vaccines.

Gayumpaman, tiwala ang VP Spokesperson na makakabangon ang bansa sa harap ng pagtaas muli ng COVID-19 cases.

Samantala, iginiit ni Gutierrez na handa si Robredo na magpabakuna kung makatutulong ito na maiangat ang kumpiyansa ng publiko.

Pero iginagalang din ng Bise Presidente ang desisyon ng pandemic task force na iprayoridad ang ilang grupo at sektor bago ang mga public officials.

Facebook Comments