Handa si Vice President Leni Robredo na makipagtulungan sa administrasyon para mas maraming tao ang mahikayat na magpabakuna.
Matatandaang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dapat linawin ni Robredo ang katayuan nito sa bakuna bago nila ikonsidera ang pagkakaroon ng infomercial kasama siya at si Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni VP Robredo na problema na ng Malacañang kung hindi nila maisantabi ang pulitika.
Matagal ng malinaw ang posisyon ni Robredo patungkol sa bakuna at tanging ang Palasyo lamang ang nagbibigay ng ibang kahulugan para rito.
Kung sakaling kakailanganin ng pamahalaan ang tulong ng Bise Presidente ay handa itong umalalay.
Facebook Comments