Kampo ni VP Robredo, may panibagong hirit sa SC kaugnay ng election protest ni dating Sen. Bongbong Marcos

Manila, Philippines – Hiniling ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa Korte Suprema na huwag pagbigyan ang kahilingan ni dating Senador Bongbong Marcos na dagdagan pa ang mga clustered precints na susuriun kaugnay sa kanyang electoral protest.

kinontra ng abogado ni Robredo na si Atty. Romy Macalintal ang mosyon ni Marcos sa SC na syang tumatayong Presidential Electoral Tribunal, na magsagawa ng technical examination ng voting records sa Basilan, Lanao del Sur, at Maguindanao.

Ayon kay Macalintal, labag sa naunang desisyon ng PET ang mosyon ni Marcos na may petsang December 10.


Ang technical at forensic examination ng voting records aniya kasi ay maari lang gawin kapag nagkaroon na ng “substantial recovery” mula sa inisyal na hiling na ballot recount ni Marcos sa 3 pilot provinces na Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental.

Nitong Lunes, January 14, naghain ng counter-manifestation ang kampo ni Robredo sa extremely urgent manifestation of grave concern with omnibus motion na inihain ni Marcos.

Facebook Comments