Pagdulog ng ACT sa CA, welcome sa PNP

Manila, Philippines – Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang hakbang ng Alliance of Concerned Teachers na dumulog sa Court of Appeals (CA) hinggil sa umano ay profiling sa mga gurong miyembro ng kanilang grupo.

Sa isang ambush interview, sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na tamang forum ang korte para malaman ang totoo.

Mabuti na rin aniya na sa korte sila sumagot sa halip na sa media.


Nauna nang iginiit ni Albayalde na inirerespeto nila ang karapatan ng mga guro pero kailangan din nilang imbestigahan kung miyembro sila ng makakaliwang grupo.

Nanindigan din ang PNP Chief na mismong si CPP Founding Chairman Joma Sison ang nagsabing front organization nito ang ACT.

Facebook Comments