Kampo nina VP Robredo at dating Sen. Ferdinand ‘BongBong’ Marcos, binigyan ng limang araw ng Korte Suprema para magsumite ng kumento sa draft preliminary conference order

Manila, Philippines – Inaatasan ng Supreme Court na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal ang kampo ni VP Leni Robredo at dating Sen. Ferdinand ‘BongBong’ Marcos na magsumite ng kumento sa draft preliminary conference order sa loob ng 5 araw.

Kasunod nito inaasahan ding makapagpapalabas na ng kautusan o preliminary conference order ang PET bago matapos ang taong kasalukuyan,

Kung walang magiging problema sinabi ni Atty George Garcia, abugado ni BBM na posibleng sa Agosto ay sisimulan na ang pagkolekta sa mga ballot boxes mula sa 3 pilot provinces na nais ng kanilang kampo na unang mabilang,


Tinatayang sa katapusan ng Oktubre ay masisimulan na ang ballot revision.

Sa pagtaya pa ni Garcia sa Pebrero ng susunod na taon ay matatapos na ang manual recount.

Ilan lamang ito sa mga isyu na natalakay kahapon sa preliminary conference o sa pagsisimula ng pag usad ng election protest na inihain ni Marcos at sa counter election protest na inihain naman ni VP Leni Robredo.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments