Kanal sa Thailand, napuno ng gamit na condom

Images by NaiPan on Facebook

Pinagmulta ang isang hotel sa Thailand matapos magkalat sa isang kanal ang mga gamit na na condom at iba pang toiletries mula rito.

Isang concerned Thai netizen ang nagbahagi sa Facebook ng mga larawan ng Bangkok Yai Canal kung saan naglutangan ang mga condom kasama ang iba pang basura.

Nang mag-viral, pinagmulta ng Bangkok Metropolitan Administration (BMA) dahil sa improper disposal ang kalapit na hotel kung saan nakapangalan ang mga nakitang basura, ngunit iginiit ng hotel na hindi nila responsibilidad ang paglilinis ng mga ito.


Paliwanag ng ilang tauhan dito, may ibang tao o kumpanyang binabayaran para maglinis ng limang septic tank ng hotel.

Gayunpaman, humingi ng paumanhin ang manager ng hotel matapos magbayad ng multa at sinabing ito ang unang pagkakataon na nagyari ito sa hotel.

Tuluyan naman nang nalinis ang kanal nitong June 16.

Facebook Comments