Partylist Coalition, buo pa rin ang suporta kay 1pacman partylist Rep. Mikee Romero

Tiniyak ng mga miyembro ng Party-list Coalition na buo pa rin ang kanilang suporta kay 1-Pacman Party-list Rep. Michael “Mikee” Romero bilang Presidente ng partido.

 

Agad na pinabulaanan ni 1-SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta ang balitang nagkakawatak-watak na sila ngayon sa coalition matapos na lumagda si Romero sa isang manifesto of support kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na maging Speaker ng Kamara sa 18th Congress kahit na hindi ito dumaan sa konsultasyon ng grupo.

 

Iginiit ni Marcoleta na hindi naman nagbago ang kanilang pagturing kay Romero at nananatili pa rin daw ang kanilang suporta para sa kanilang presidente.


 

Humingi na rin aniya ng paumanhin si Romero sa mga miyembro ng Party-list Coalition na pumalag sa paglalagda nito sa naturang manifesto.

 

Katwiran ni Romero sa paglagda kahapon sa manifesto ay para tutulan ang isinusulong na term sharing sa pagka-Speaker.

Facebook Comments