Kanang kamay ni Isnilon Hapilon at isa pa, patay sa engkwentro sa Marawi City

Marawi City – Dalawang miyembro ng teroristang Maute group ang napatay ng tropa ng militar matapos maka-engkwentro ang tropa ng militar sa main battle area sa Marawi City kagabi.

Ayon kay Colonel Romeo Brawner Jr., deputy commander ng Joint Task Force Ranao, isa sa mga napatay ay kanang kamay ng emir ng ISIS sa Southeast Asia na si Isnilon Hapilon na Abu Talja.

Nabatid na nagbabantay ng outpost ang mga terorista nang paputukan ang mga sundalo.


Agad namang gumanti ng putok ang mga sundalo na nauwi sa engkwentro.

Wala namang napaulat na sugatan sa panig ng pamahalaan.

Nauna rito, sinabi ng naarestong Indonesian na miyembro ng Maute na mayroon pa silang 39 na mga kasamahan ang nasa main battle area.

Facebook Comments