Harry Roque, pormal nang nagtrabaho ngayong araw bilang Presidential spokesperson

Manila, Philippines – Pormal nang nagtrabaho ngayong araw si Presidential Spokesman Harry Roque sa Malacañang.

Sa press briefing sa Malacañang – sinabi ni Roque na isa sa kanyang gagawin ang pagrerekomenda na kumuha ng batang deputy presidential spokesman para makabuo ng koneksyon sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga millennials.

Kasabay ng pag-upo bilang presidential spokesman, sinabi ni Roque na bukas siya sa mga bumatikos sa kanya at handa siyang harapin ang mga ito.


Kasama rin sa mga unang gagawin niya ang pagpunta sa Marawi City para kausapin ang lokal na mamamahayag sa lugar.

Facebook Comments