KANDIDATA NG BAYAN NG BINMALEY, NAIUWI ANG TITLE BILANG MISS LIMGAS NA PANGASINAN WORLD 2023

Napakaganda at matatalino talaga ang mga Pangasinense kung kaya’t kilalanin natin si Miss Nikhisah Buenafe Cheveh, isang 23 years old na kandidata ng bayan ng Binmaley na nasungkit ang titulo bilang Miss Limgas na Pangasinan World 2023 nito lamang nakaraang April 29 na ginanap sa Beachfront Capitol Lingayen.
Ang nasabing aktibidad ay bilang bahagi ng selebrasyon ng Pistay Dayat ngayong taon.
Matatandaan rin na si Nikhisah ay nanalo bilang Binibining Binmaley 2023 noong buwan ng Pebrero. Bukod sa titulo, marami rin siyang mga nahakot na awards. Labis namang ikinatuwa ng kanyang supporters, kaibigan, pamilya at bayan ng Binmaley ang kanyang pagkapanalo.

Samantala, si Nikhisah ang ilalaban na kandidata at representative ng ating probinsya sa papalapit na Miss World Philippines kaya’t suportahan at abangan natin ang ating kabaleyan. |ifmnews
Facebook Comments