La Trinidad, Benguet – Nagsagawa ng Unity Walk at Peace Covenant Signing noong January 13 para sa mapayapang eleksyon sa darating na Mayo kung saan ay marami ang nakisama mula sa iba’t ibang probinsya sa Cordillera.
Nanawagan naman si PRO-COR Director Rolando Nana sa mga tatakbong mga politiko na isurrender muna an kanilang mga baril sa mga Police station malapit sakanila para maiwasan ang pag gamit nito.
Tuluyan na ngang sinimulan ang Gun ban noong January 13 at magtatapos naman sa June 12 base sa COMELEC Resolution No. 10429.
Ayon naman kay PRO-COR chief information officer, Superintendent Pelita Tacio ay nagsagawa na sila ng check points noon pang January 12 at nagdagdag na rin ng mga pulis sa La Trinidad.
Facebook Comments